I know it sounds weird. 24 na ako nung una akong makasakay ng plane and Ocean jet. pero who cares. The minute my right foot landed sa lupa ng NAIA, I knew I had to make a separate blog para dito. ang korni no? hihihi.
at 00:30, January 10, 2012,umalis na kami ng bahay. dala dala ang maleta na wala pang 3 kilos. hindi puno. naisip ko kasi na baka di magkasya ang pasalubong na keychain pag puno ang bag ko. eto ang photo ng bag ko the night before:
kita ba yung chorva sa may right upper part ng pic? eeewww! haha
ETD is 04:25. 1:30 am nasa airport na kami. excited much! gnun kasi si mommy vita. ayaw ng late. sobrang aga nga lang. So we patiently waited. Hindi pa nakakabadtrip maghintay pag papunta. Kasi excited ka pa. di rin ako makatulog sa airport kahit anong dukdok at khit anong posisyon ang gawin ko sa upuan nila. so i decided, magpicture na lang.
duling na ang camera. madaling araw na kaya!
at naghintay, ng naghintay ng naghintay. gang sa magutom. infairview, hindi magkaiba ang presyo ng bilihin sa 7 11 sa terminal 3 and sa labas. so kumain ako. walang magawa kaya!
And since first time ko sa airport na hindi naghatid o sumundo, at di ako makatulog. excited nga. eto kinahinatnan:
kahit na tapos na ang christmas, nakuha ko pang magpapicture dito:
and then finall,y pwede na daw mag check in ng baggage. ako ang pinagffront nila. aba teka, wala akong alam dito!!
It was actually pretty easy. khit na ang tingin ng mga tao dun e alam mo na ang next step. malay ko dito chong!
Terminal fee is as you al know, P200 each. kami hindi namin alam. akala ko kasi sa international flights lang yun. lol
And then I saw something that says, we have to check in yung baggage at least 45 mins and
be at the boarding gate at least 30 minutes before ETD. 15 minutes before ETD, late ka na. kahit umapela at magsampa ka ng kaso sa korte suprema, di ka na ata papapasukin. astig!
At excatly 4:10, eto na kami. :
At sa baba:And for first timers, this is a must:
at papayag ba ang lola mo na wala syang solo pic?
medyo masungit yung mga cabin crew nung time na yung. ang ssuplada ng mga lola mo. sabi "kung may pag aalinlangan, wag mag atubiling kausaping ang mga cabin crew" e amfowfowtah, ang susuplada kaya!
We arrived at exactly 05:40H. dami kong naririnig about delayed flights. so mejo natuwa ako kasi ayoko maexperience yun. excited nga tapos idedelay nila ang flight? gagstugs ba yang piloto na ya??? haha
it's raining men. gusto ko ng malungkot kasi ngayon naka schedule ang city tour namin. pero afer some time, tumigil na din sya at nagpakita ang haring araw sa Cebu. :) At, 6:30, dumating ang sundo namin, si kuya cesar. to know more about our city tour, i'll be posting another blog very very soon. :)
I guess, next OOT trip namin, mas may alam na kami and thank god suave ang lahat ng umagang yon.
NOW I KNOW: pabalik ng manila, terminal fee is just the same. P200 din each. pero mas mahigpit sila. bawal sa hand carry ang dried fish. bawal din ang kahit anong liquid. Buti naalala ko na sa hand carry ko nailagay ang DEO ko. hahaha. pati ang walang kamatayan kong alcohol. :) and may nkita kmi na nagtatanggal ng AA batteries sa mga cameras nila. may sinasabi silang bawal. So bgo kami pumasok, I showed them My cameras and asked kung magkakaproblema ba ako dahil sa batteries nila. Hindi naman daw. :)
January 11, we're bound to Bohol. We bought our ocean jet tickets on our first day sa cebu. We paid P520 each. CEB-TAGBILARAN and vice versa. sabi wala na daw terminal fee. so feeling ko nakatpid ako. not until icheck ko yung tickets, meron pala. sinama lang sa P520.
From Robe's Pension house where we spent the night, it was almost 10 minute cab ride to pier1. And since simula nabook ang flight, puro blogs and google map ang kaharap ko, mejo nakabisado ko ng kaunti kung anu-ano ang mga magkakatabing lugar na pwedeng puntahan at lakarin na lang para tipid. Buti nlng natatandaan ko na ang pier ay malapit sa fort san pedro and cebu cathedral. and on our way to the pier, nakita ko din yung mga yun. bakit ko sinabi? malalaman nio mamaya. :)
at exactly 7:30, nakakuha na kami ng cab papuntang pier. sobrang lapit lang at P70 lang ang metro. ok di ba? malakas ang ulan pero walang traffic. kaya before 8am, nasa pier 1 na kami.
Isa sa mga gusto ko puntahan sa cebu, mga museums and historical places. ayaw talaga nila pumunta kahit anong pilit ko na pumunta ng fort san pedro. ang lakas pa ng ulan non. at ang main reason, takot sila maiwan ng ferry. At bigla ko naisip ang Cebu Cathedral. Nung binanggit ko yun kay mama, hindi na siya nagdalawang isip. Napa OO ko din sa wakas. YEY!
And So we went to cebu cathedral and for san pedro. find out why we were unable to visit cebu cathedral museum on my next posts. :)
We went back to pier 1 at 8:45am. Papa was so worried at naka ilang tawag sya na bumalik na kami ng pier. GRRRR...
9am, check in na. iniiwan ako nila mama pag ganito na, tanong pa ng tanong kung saan kami next na pupunta, teka, di ba, first time natin lahat???
we checked in our baggage immediately. we paidP100 para sa baggage. ewan ko para san yun.di naman daw kami nagexcess sa allowed na weight. may resibo nman kaya keribels na rin at hindi na ako nag usisa. hehe
then..
Boarding time!
Finally, BOHOL! yeee!
Bago bumaba, binulungan na ako ni papa. picturan mo ako pagdating ng bohol ha? and so I did. :) mukang shy ang lolo mo pero siya talaga ang may gusto nian. at gusto nia talaga, hawak nia ang maleta. Nagppraktis para pagpunta nia ng libya. :)
Safe Arrival at Tagbilaran Port. Kuya JR, our taxicle driver was there on time. So, walang hintayan portion. :)Initially, the plan was, diretso tour kmi. kaso 9:30 ang kinuha namin na ticket, alanganin na. di masusulit kasi half day nlang ang tour. And ending, nagpasundo nalang kami kay kuya JR for P200 tos the next day na ang tour. so marami pang time magpahinga.
At dahil sinabihan ako nun papunta pa lang kmi ng bohol na wala ng terminal fee, hindi ko napansin na yung pabalik ng cebu, hindi pa included dun yung terminal fee. dire-diretso ako, di pa pala kami ngbabayad ng terminal fee. pero mas mura na. P11.50 each tapos P60 na lang sa baggage. :)
our third day in bohol, (january 13, 2012) is our BALICASAG DAY! dahil sa marami kaming natipid our our 1st 3 days, naging posibl ang Balicasag and Virgin Island. We asked kuya from citadel kung magkano ang banca. he said P1500. tapos biglang tinanong ako kung susunduin daw ba kami ng banker, este boatman pala tawag nila dun, nagulantang ako. Sinusundo ba dapat?? haha. tinamad kasi ako nung hpon kaya sabi ko siguradong marami naman sa dalampasigan na nakadaong na banca. 6:30 na kami umalis ng citadel. and then we met kuya raymond, the banker.... boatman pla.
Habang hinihila nila kuya raymond at kuya arvin ang banca papuntang dagat, kaming 3, nagdadasal. nakasakay na ako ng banca sa batangas and sa Bataan. pero kasi this time, mas malayo and mas malaki ang banca. AT! umuulan pa. kinakabahan kami na sabrang laki ng mga alon at tumaob ang banca. paano na ang camera na hiniram ko kay mek? mababasa. pano na yun celphone ko? kawawa nmn wala ng amo. at pano pag nalunod kami? di kaya marunong lumangoy and 2 kasama ko.
Eto ba ang pinahpipilitan kong kinakabahan?? dito kami super nag enjoy. sa balicasag. lalo na si papa. dito nia nasabi ang famous line nia na: "ok din pala ang bonding na ganito noh? akala ko kasi dati corny.." ---happy face kami ni mama :)
This is definitely uber memorable. maraming first time para sa aming tatlo.
Casino at Harrah's - Hollywood, NV Jobs | JtmHub
ReplyDeleteCasino 김해 출장안마 at 파주 출장마사지 Harrah's Hollywood, NV Jobs · 1:30 p.m.. Apply to Host a Comedy Venue · 2:00 a.m.. · 3:30 p.m.. 동두천 출장안마 Apply to Host a 전주 출장안마 Comedy Venue · 4:30 진주 출장샵 a.m..