Total Pageviews

Saturday, January 21, 2012

Finding Nemo in Balicasag! :)

Friday, January 13, 2012. After ng milyon milyong pakiusapan kila mama, napapayag ko din sila Magbalicasag. Papa was drunk the night before, ako pagod sa tour. si mama, wala lang. hehe
Nag alarm ako ng 6am. kaso mejo malamig ang simoy ng hangin kaya hirap na hirap akong kaladkarin ang katawang lupa ko para bumangon.gumising si papa ng 6:30 at kinausap si kuya the citadel caretaker. Ang nerbyoso kong tatay, paulit ulit na, "hindi ba delikado yun". hehehe. Hindi naman daw. He also mentioned na P1500 daw ang banca papuntang Balicasag at Virgin islands.

6:30, lumabas na kami. after ng light breakfast, toothbrush then bihis.kayo na umisip kung ano hindi namin ginawa bago umalis. hahaha.

On our way to Alona Beach, Kuya Raymond asked us kung Balicasag ang tungo namin and asked kung may banca na kami. We asked kung magkano, sabi nia, P1,500 daw. May nabasa akong blogs na P1200 lang. Ayaw talaga pumayag ni Kuya Raymond. P1300 daw. Pumayag ako, but sabi ko free na ang snorkeling gears. wow ha! parang ang dami, gears talaga! hahaha.

 Hindi ko matantsa kung gaano katagal ang byahe from Alona Beach to Balicasag. More or Less, 45 minutes. Sa kalagitnaan ng byahe, we stopped for a while and waited for dolphins. Amputek! bigo! masyado na daw kasi kaming late. dapat daw mas maaga.

TIP: Mas ok kung contact nio na si Kuya Raymond before kayo pumunta. hindi katulad ng ginawa namin na nung morning lng na yun naghanap ng boatman. dapat kasi, susunduin nila kami sa bahay para gisingin. Tinamad kasi ako nun day before yun maghanap ng banca kasi pagod na s tour tapos ang lakas pa ng ulan. Yan ang napapala ng mga Tamad!

Dahil nainis ako, nagpiture na lang kami.

Balicasag, here we come!!
 Sobrang babaw ng tubig. first time makakita ng starfish. :)
Rest muna and lunch. Chika Chika with Balicasag Locals. They're all very accomodating.
Adobong Subok na. kahit anong mangyari, hindi mapapanis kinabukasan! :)

Kuya Raymond referred Kuya Jeric para sa banca na magdadala samin s snorkling sites. P150 each daw. dahil laking divisoria nanay ko, nakuha nia na P100 each. ayaw kasi na P250 kaming tatlo. Also, ngrent kami ng shoes. Sabi, P100 each. Nakuha namin na 3 pairs for P200. ayaw pumayag na libre eh! :)
Iniwan na namin lahat ng gamit namin kay Kuya Raymond. wala naman kaming Celphones kasi aanin namin yun sa island. 1 camera at pambayad lng sa banca ang dala namin. buti na lng, mama brought a few extra bucks. hindi kasi namin alam na magbabayad pa ulit kami ng banca, and yung sa shoes. So hanggang dyan na lang ang camera namin. :)
Sabi ko, mga 30 minutes lang kami dun. di naman ako mahilig sa gnyan. when, Kuya jeric gave me my snorkels, I immediatle submerged (submerged talaga??) myhead. and ther it was! paraiso sa ilalim n tubig. 
Sobrang Pagsisisi na wala akong under water cam. I could've shared kung ano yung nakita at naenjoy ko dun. On my next trip, yun na ang hindi ko kakalimutan! :) Sobrang Ganda sa ilalim. Angel fish and nemo are my new favorites! hindi na bangus! hahaha.Ang daming mgagandang isda. yellow, violet, blue, transparent, glow in the dark... Fish feeding in Balicasag is definitely a must try dito sa Bohol! And mind you, ayaw ng cheese flavor na skyflakes ng mga isda. Pansin lng namin 3.hehehe.
Aliw na aliw din ako sa mga bato sa ilalim ng tubig. may mukang naagnas na buto, parang utak, at kung anik anik! :)
Pero siguro, mas ok na din na wala akong ipost na pics dito. para puntahan nio na lang, at maenjoy nio ang snorkeling sa Balicasag. (palusot!). Of all the places we've been for the last 4 days, nasabi namin, eto ang pinakasulit at pinaka enjoy.


after like 2 1/2 hours, we went back to check the entire island. On the other side of balicasag, there's a whole different world. White Sand, may sea shells by the sea shores, and calmadong dagat.. It's Balicasag Iland Dive resort. Government owned. sabi nila P2700 daw/night ang rate dun. e wala naman kaming plan magstay dun so, deadma lang.

 Jumpshot. Mama succeeded. I failed.

 Balicasag isone of the few beaches I've been to. And so far, it's on top of my list.


Before we left for Virgin island, we took some family pictures muna.



Virgin Island. 30 minutes from balicasag. bago bumaba, sinamnag palad at na low bat ang camera. pagbaba mo ng banca, dudumugin ka at lalatagan ng sea urchins. P20 each. sabi ko isa lang, gusto ko lng itry. lahat sila Nagbasag ng sea urchin at nagbukas ng tig iisa. sabi ko, hindi ko bbyaran lahat kasi, isa lng talga kukunin ko. Bumaba kami. there's a long stretch of white sand na parang kalsada papuntang virgin island. malayo, si papa hindi tumagal at hiningal. kami ni mama, nagjogging. Nakakahingal. Walang makikita sa Virgin island. walang tao. walang kahit ano. inikot lang namin. mga 20 minutes kami tumatakbo habang sinasampal sampal ng matutulis na patak ng ulan. :)
Before we leave, i checked the cam and himalang mukang pagbibigyan kami kahit 3 shots lang. :)


Pabalik ng Alona beach, tahimik na kami. kasi pagod na. pero pagdating n bahay, paulit ulit namin tinitignan ang pictures. ang ganda kasi. first time namin lahat maka experience ng ganito. and lahat ng ginastos was worth it. A day we'll definitely never forget.

2 comments:

  1. nakaka-relax basahin and at the same time informative. Keep it up! I'm excited with our Palawan trip kahit medyo matagal tagal pa. :)

    ReplyDelete
  2. informative ka jan kris... parang kung di ko nga kilala gumawa nian, papabura ko na hahaha

    ReplyDelete