Total Pageviews

Friday, January 20, 2012

Bohol Day 1 at Citadel. Day 2 City Tour

Citadel Alona Inn in Brgy Tawala, Panglao, Bohol was our home for 4 days. :) From Cebu, we took a ferry in Pier 1. a 1 hour and 45 minute ferry ride going to Tagbilaran port. Fast and easy, as the ocean jet ad would say.From port of Tag, sinundo kami ni Kuya Jr. A tricycle driver recommended by a certified super galing na blogger.().
This is Kuya Jr's Tricycle.  (P200 from tag port to panglao)


I saw Kuya Jr's number here. If you're planning to have an DIY itinerary, always check her site. So far, pinaka helpful and funniest blog I've ever seen. I don't know her personally. But She has been a great help. Naghahanap pa ako ng way para magthank you sa kanya. hehe. :)

From Tag port, mga 30-40 minutes kapag tricycle. Medyo mainit ang panahon. Perfect sana sa city tour. The original plan was, 3 days 2 nights sa bohol. pero we decided na kesa bumalik ng cebu at mgcheck in sa sugbutel for a night, magextend na lang kami ng 1 day sa bohol. Our first day ay nakalaan sa tour. pero pnagpaliban na lang namin. We chose to rest na lang. tska 9:30 na kami umalis sa cebu. we arrived at around 11:30. Di na sulit magtour. half day na lang ang mangyayari.

Jan 12, 2012, buong araw, tatlo kaming dakilang tambay sa citadel. 

Second day sa BOhol!!
Usapan namin ni Kuja JR, P1000 buong araw. walang limit sa oras. basta sabi nia mapupuntahan namin lahat. (except Hinagdanan Cave and PINR).

NOTE: kaya ng tricycle ni kuya JR pumunta ng chocolate hill. (sobrang elibs). if you ask the locals there, sasabihin nila na hindi kaya dahil matarik ang daan papuntang Choc Hills. It's true. sobrang nakaka kaba. pero para sakin, Cool! enjoy ako. haha. you wouldn't realize their real concern not until magrefer sila ng van or car na pwede magtour sa inyo. Ayon, sisiraan pa ang pobreng trcycle para kumita, lol! may kkwento pa sila na chinese na namatay dahil nahulog ang tricycle sa bangin. ewan ko kung 22o. pero ako, buhay na buhay. :)

Since napurnada ang orihinal na planong tour sa day 1, nakiusap si Taxicle driver na gawing P1200. kasi bbyahe pa daw sya simula sa tahanan nila papuntang panglao para sunduin kami, tpos tour. pumayag naman kami. may mala hipnotismong nakiusap yung tao e! lol

6:30-Good Morning Bohol! breakfast tpos prepare. The best thing about Citadel is, pwedeng Unli gamit ng kitchen. Absolutely Free! :)
8am, dumating si Kuya JR. First Stop, Blood Compact Shrine: free

Sabi niKuya JR, mababait ang mga taga bohol. nung dimating si legaspi, nagtreaty sila ni sikatuna. unlike sa cebu, nung dumating si magellan, nagpatayan sila ni lapu lapu. cool!

Next: baclayon church


 Renovated in 2008. Medyo Nasisisra na daw kasi yung ceiling. Baclayon Church is one of the oldest in our country.But according to the caretaker, runner up lang ang Baclayon. San Agustin (Manila) was built 25years before Baclayon Church.

I chose red. For Life, Passion And Courage. Ang Deep! di ko ma-dig! Pink sana, kasi for health. kaso may kasamang Love Affection and romance. najahe ako sa nanay ko. hahaha. :)

11:15, we arrived at Butterfly Sanctuary. It's a guided tour. pero kami ang sinamang palad na hindi na-guide. ayaw ata nila samin. nilakad lang namin at tumingin tingin. picture picture. (P50 entrance fee)


Durian Ice Candy for only P35. I wanted to try something new. Korni nman kung ube, chocolate or mango nanaman. Durian Ice Candy is my new favorite. :)

Next Stop, Chocolate Hills. Ang Layo!!! 

Ang Matarik na daan papuntang Choc Hills. makaka 15x na "are we there yet?" ka. ang layo e!
CHOCOLATE HILLS (P50 din ata entrance fee, di ko masyado mtndaan)

ganyan kami magaway. hindi halata di ba?? hehe. :)

Sabi ni Edward, an American friend I met sa Citadel. wala naman daw kakaiba dito. He called it Chocolate Mountains. hehe. Aakyat ka lang daw, mapapagod, magpipicture at uuwi na. tapos na. pero para skin, hindi lang ganon un, man! dati kaya sa hekasi books ko lng nkikita. black and white pa. atleast ngayon colored na di ba? :)

Chocolate hills ang pinakamalayong mapupuntahan. so pabalik na kami at dadaan muli sa matatarik na daan. 

Man Made Forest-- Free! Kasi Madadaanan mo lng nmn tlga to papuntang Carmen. 

 Nakakatuwa. kasing payat ko lang yung mga puno!

TIP: bakit mas ok magtriccle? iba ang hangin pag nasa man made forest. mas malamig hindi mo macocompare unless, hindi aircon ang sasakyan mo sa tour. seryoso. mas malamig. mas magaan sa paghinga. sana dumami pa mga man made forest dito sa pinas! :)

We're now ready to see tarsiers! (kahit naghihimutok na sikmura ni papa).
Tarsier Conservation Area. Mating season daw. Briefing muna bago kami pumasok. Bawal maingay, may flash na cam, ishake ang tress para magising. mga trivia like a new born tarsier is as small as your thumb, 15 seconds sila magforeplay (ano daw?), and gang 24 years lang sila nabubuhay. madami yan. di ko na uulitin lahat.  (P30 ata entrance fee. memory gap lng)

This is why I want to learn more about photography. Hindi talaga akomarunong humanap ng sarili kong light. laging blurred and knukuhanan ko, malinaw ang background.

Anong sinabi mo sa smile ko. may mas nauna akong pic jan. aba, sbi ni ate tour guide, irelax ko daw ang feslalu ko. hanep sa banat ate! prof photographer???

GUTOM TALAGA KAMI. 1PM na hindi pa kami kumakain. Durian ice cream palang bukod sa breakfast namin!

Sabi ko na lng, trust Kuya JR. kabisado nia yan at tanchado na niya ang oras. pero ang totoo, naghihimutok na rin nang tyan ko, water therapy, Baby!

Finally, Loboc River Cruise. Happy ako kasi nag enjoy si Papa dito. :) (p400 each)
GUtom na gutom na talaga kami. at ang sabi pa, 45 minutes pa bago kami makaksakay ng banca. 

My gawd! ulcer na mapapala namin dito! syempre, hindi ko inamin sa kanila, sabi ko sandali na lang.

 Pang tanggal inip. sa bahay ko na naisip na sana hiniram ko sumbrero ni manong. :)
pagdating ng 1:30, pwede na. 
SUGOD MGA KAPATID!!
 Manghang Mangha ang mga Foreigners sa tinikling!
 At the end, kung saan magmamaniobra ang banca, eto ang makikita niyo. profile pic ko yan sa fb! mukang na photoshop at dinikit lang ako.haha
NICE!
eto ang kinahinatnan ng gutom namin:
SPELL MASIBA! Di ko na alam kung masarap ang food o sobrang gutom lang talaga kami. Nabubulunan pa ako kasi sunod sunod ang subo.
May Buffet din sa labas para sa mga drivers. Pinipilit kasi namin si kuya JR na sumama. ayaw niya talaga. meron naman pla silang food. free. :)

3pm: Prony the Phyton. madaming takot. iilan lang kaming nangahas. lol
Pinagtalunan pa namin ni papa tong pic na to. baka lamunin daw kasi ako. hbng ngpapapic ako, tuloy pa din sa pagsaway ng lolo mo.
Hindi ko alam kung bakit ko naisip gawin yan, pero pagkatapos ko, dalawang beki ang gumaya sa pose ko. astig!!

habang bumibili sila ng pasalubong, tumakas ako at nagpapic sa dilaw na ahas.:)
Speaking of pasalubong, dito may pinakamurang peanut kisses and peanut fingers. P140 per pack. (16 pcs). BB likes peanut fingers better. :)

BOHOL BEE FARM.umuulan na. Ang nasabi nlng namin sa daan papuntang BBF, "Ang Pangit!" Umuulan p nmn.maputik, uka-uka, parang roller coaster na nakakabadtrip. ang nakakabadtrippa lalo, hindi daw kami pwede magtour dahil umuulan. nagging wild daw ang mga bees. kainis!
The shop. I tried Squash and carrot cupcakes. Cheap. (P15-P20/each). but not that good.

anywy, pgod na rin naman kami, so i bought Malunggay ice cream na lang. Yun daw tikman ko sabi nila eh. masarap naman. pti sila mama, nagustuhan.






 Pagod na ang katawang lupa namin. last na yung BBF. Malakas na din kasi ang ulan. 
Sobrang pagod na, hindi na kami nagdinner. ako, 3 bottles of tanduay ice na lang para makatulog agad para sa activity bukas. :)

CITADEL ALONA INN

SUper Ganda ng Bohol. kaso, mahal ang kainan sa panglao. Malayo din ata nag tagbilaran market. good thing we stayed sa citadel. super madaming natipid.


2 comments:

  1. Hi. your blog is very informative :) sorry cant view yung number ni kuya jr. do you still have it? please please! and how far is citidel from alona beach? thanks so much!

    ReplyDelete
  2. Hi. your blog is very informative :) sorry cant view yung number ni kuya jr. do you still have it? please please! and how far is citidel from alona beach? thanks so much!

    ReplyDelete