Total Pageviews

Tuesday, January 17, 2012

CEBU CEBU, Shalala, CEBU! CEBU! day tour

November 19, 2011- booking confirmed. 
Date: January 10, 2012 04:25H-Manila to Cebu

After reading a bunch of blogs, checking cebu map almost everyday and hours of googling, eto na! wahhhhh! expenses and list of contact numbers will be posted at the latter part of this blog.

 we arrived at exactly 5:55. just in time. at 6am, nasa labas na kami waiting for kuya cesar. 
6:30, finally dumating na si kuya cesar and a white grandia. uy bago yung van! wala pang plate number!


First stop, Basilica Minore del Sto. Nino. sakto sa Mass ng 7am. A great way to start the day. :)
Magellan's Cross na tatlong hakbang ang layo sa Basilica.
Then Lunch. May binanggit si mommy na Cnt Beside Crown Regency. Medyo napalayo kmi. The original plan was, sa CnT near SM. kaso nga.. ayon. ewan ko kung ano ngyri. 
 
NOTE: walang 'sarsa' ang lechon ng cebu.Mukha kaming tanga n nghahanap ng khit mang tomas na lang. BIGO! toyo na may suka at calamansi lng. hindi ako mahilig sa lechon, pero babalikan ko to! :) 1kg lechon, plus10 cups of rice. 2L of coke. solb ang walong sikmura! :)

Infrview, ok na din na doon kami napunta. kasi mukang mas malapit sa next destination namin which is Taoist Temple. Located in Beverly hills (Patungong Norte if from Cnt)


Then, pier 1 for Cebu-Tagbilaran Ocean Fast Tickets. Sa ayala mall, P820 roundtrip. Same with Pier 1. Kaso sa pier 1, then will give you an option kung sa open air or business class. syempre s mas mura kami. so P500/ each Plus P20 terminal Fee. may TV naman sa bahay namin, aanhin ko ng TV sa business class? :)) 
On our way to Pier 1, naglaway ako sa Fort San Pedro, Cebu cathedral museum at Cebu Metropolitan Cathedral. gustong gusto ko yun puntahan.

Since pumayag sila mommy na bumili kami ng ticket sa kalagitnaan ngtour, sila naman ang pagbibigyan namin. Resort hunting. ai, sayang ang oras na nakalaan sa tour. ang dami ko pang gustong puntahan!!! Casa Gorordo!! Taboan Market!!! Museums And Mga Simbahan!! :(

AT dinala kami ni kuya cesar sa Plantation Bay resorts and spa. Uber Traffic!!. Bungga ang lugar. Bungga din ang presyo! Sabi ni kuya, wag daw kami dun mgcheck in. magpicture lang daw kami dun. haha

Eh di nagpicture kami. dinala nia pa kami sa iba ibang resort sa mactan. kaso walang pang masa. kaya nga wla akong reservation sa mactan. kasi mahal. we tried na mag walk in and umasang may makikitang murang resort dun. pero BIGO ulit! Saka kami nakaramdam ng gutom.
We had lunch at MAribago Grill. Sizzling Tuna Sisig, Sinigang na panga ng isda, sweet and sour lapulapu. busog. pero I must say, hindi sulit. masarap naman. pero mas madaming mas masarap. Like AA's.
Since nasa mactan na kami, dalawin na namin si lapu lapu..

Tip: dito maypinakamurang pasalubong. dito may pinaka murang cebu shirts (P100) so if you're staying at cebu city, mas ok na bumili n ng pasalubong dito sa mactan. :)

2:30 PM, we checked in at Robe's Pension House. Pinakamura na nakita ko. 
NOTE: we made an arangement na we'll call them a day before we check in. just to confirm na we're really coming. walang reservation fee. cool di ba? 4 rooms pa nga nareserve nila instead of 2. Although they say you have to take risks kpag ganito, kung pwede naman na hindi magbayad muna, bkit hindi di ba? Most of the Inns and pension houses na nacontact ko, payag sila sa ganito. :)
Deluxe Room kami. The only difference is may hot and cold shower. para sa ginawing pamilya katulad namin, Mahalaga yun!
We asked kuya Cesar kung saan may pangmasa na beach resort. yung may dalampasigan na humahampas ang tubig dagat sa buhangin. at hindi yung gawa lng ng tao katuad ng sa Plantation Bay. Sabi nia, sa Compostella daw. Kaso may additional P500 kasi sa labas na ng cebu yun. sa Kagustuhan namin nahindi na magintindi ng pgsstayan ang mga senior citizen na kasama namin, pumayag kami na dun na lang pumunta kesa ituloy ang tour. SIBAK ANG ITINERARY KO!!
4PM:On ou way to Compostella, may nadaanan kaming beach sa  Liloan. okyung room. P800 lang ata per night. (4pax na yun ah). Kaso, puro lait lang inabot sakin. pero still, dun sila nagstay. Ang daming kalapating mababa ang lipad and mukang madumi yung tubig dagat. may pool lang sila. yun lang. 
After magpareserve, we're now headed back to Robe's. uber traffic na. dahil daw sa sinulog. around 7PM na kami nakabalik ng Robe's. walang gimik na kasali sa iti ko. kasi we went there to relax. eh kung magpupuyat lang din ako,magduduty na lang ako!
Dinner at Lita's eatery. sobrang mura. Turo-Turo na madaming madaming kumakain. Imagine, isang bowl ng ginisang monggo, P6 Lang!!! 
Pero khit mura, sobrng sad ako kasi I wanted to have dinner at Larsian. ayaw nila. sh*t! Dahil Bigo ako mag Larsian, nangarap na lang ako na andun ako kaya bumili akong Puso. Rice na Nakabalot sa dahon. P2.50 each.
8pm, back at Robe's. 8:30-Lights out. :)

Kinabukasan, ang lamig!!!! Naisip ko, buti na lang may hot shower sa room na kinuha ko!! yey!

 Iwould definitely recommend Robe's Pension House. Double Deluxe room was enough para saming 3. what you see (in their website) is what you get.malinis and friendly ang staff! :)

Breakfast at AlingLita's. We left at 7:30am. dala ang maleta and everything. Pier 1 is 5-10minutes away from Robe's. Masyado pang maaga kaya we went to Fort San Pedro and Cebu Cathedral First.


Pupunta sana kami sa cebu cathedral museum just beside cebu cathedral. kaso 9 pa daw open. Grr....
Sagupain ang malakas na ulan sa cebu!

Fort San Pedro.  military defence structure buikt in 1565. sabi ni wikipedia. haha

Wag magtaxi! walking distance lng from cebu cathedral.





Pinilit ako ni kuya guard na magpapicture sa canyon. peke daw kasi yung mga nasa taas. yan ang totoo. :)
Mga 8:30, nasa pier na kami. sinubukan din namin na bumili ng food sa AA's kaso 9:30 pa daw sila magluluto. so we opted to buy our "baon sa ferry" sa labas ng pier. P25/order ng ulam. P6/cup of rice. yan ang unang kinain namin sa bohol! :)


At the pier.
Ocean Jet

Ang Masasabi ko lang sa cebu, SOBRANG SARAP ng FOOD!. :)



expenses:
Van Rental: P3500/ 7 =                                                P500 each
Robe's Pension House 
(triple Deluxe Room P900
Double Deluxe P800
with 2 extra person)P300 = P200073                          P286 each
Cnt breakfast P604/7                                                   P87 each
Maribago Grill Lunch P815/7                                    P117 each
Dinner Ate Lita's P166/7                                            P24 each
8 cups of hot water at robe's + 1 extra pillow P50
Fort San Pedro Entrance Fee P80                              P40 each
Total, P7215                                                                 P1,071 each
****Divided by 7 kapag kasama sila mommy. by 3 kung kming 3 lang nila mama at papa


Kuya Juddy (van owner) 0923 674 9925
Kuya Cesar (driver) 0932 224 4928
Robe's Pension House 0932 420 0598



BIGO sa..
  • LArsian. Di nakakain!!! GRR
  • Casa Gorordo
  • Cebu Cathedral Museum
  • Sutukil.-mahal daw kasi sabi ni kuya cesar
  • Taboan Market
  • Crown regency Edge Coaster. GRRrrr...
  • Kawasan Falls!
 ANG DAMI KO PANG BABALIKAN SA CEBU!!! :)

Sunday, January 15, 2012

First Plane, Ocean jet ride. and first banca ride for mama

I know it sounds weird. 24 na ako nung una akong makasakay ng plane and Ocean jet. pero who cares. The minute my right foot landed sa lupa ng NAIA, I knew I had to make a separate blog para dito. ang korni no? hihihi.
at 00:30, January 10, 2012,umalis na kami ng bahay. dala dala ang maleta na wala pang 3 kilos. hindi puno. naisip ko kasi na baka di magkasya ang pasalubong na keychain pag puno ang bag ko. eto ang photo ng bag ko the night before:
kita ba yung chorva sa may right upper part ng pic? eeewww! haha

ETD is 04:25. 1:30 am nasa airport na kami. excited much! gnun kasi si mommy vita. ayaw ng late. sobrang aga nga lang. So we patiently waited. Hindi pa nakakabadtrip maghintay pag papunta. Kasi excited ka pa. di rin ako makatulog sa airport kahit anong dukdok at khit anong posisyon ang gawin ko sa upuan nila. so i decided, magpicture na lang.

duling na ang camera. madaling araw na kaya!

at naghintay, ng naghintay ng naghintay. gang sa magutom. infairview, hindi magkaiba ang presyo ng bilihin sa 7 11 sa terminal 3 and sa labas. so kumain ako. walang magawa kaya!

And since first time ko sa airport na hindi naghatid o sumundo, at di ako makatulog. excited nga. eto kinahinatnan:

 kahit na tapos na ang christmas, nakuha ko pang magpapicture dito:
 and then finall,y pwede na daw mag check in ng baggage. ako ang pinagffront nila. aba teka, wala akong alam dito!! 
It was actually pretty easy. khit na ang tingin ng mga tao dun e alam mo na ang next step. malay ko dito chong!
Terminal fee is as you al know, P200 each. kami hindi namin alam. akala ko kasi sa international flights lang yun. lol
And then I saw something that says, we have to check in yung baggage at least 45 mins and 
be at the boarding gate at least 30 minutes before ETD. 15 minutes before ETD, late ka na. kahit umapela at magsampa ka ng kaso sa korte suprema, di ka na ata papapasukin. astig!

At excatly 4:10, eto na kami. :
At sa baba:

And for first timers, this is a must:
at papayag ba ang lola mo na wala syang solo pic?
medyo masungit yung mga cabin crew nung time na yung. ang ssuplada ng mga lola mo. sabi "kung may pag aalinlangan, wag mag atubiling kausaping ang mga cabin crew" e amfowfowtah, ang susuplada kaya!

We arrived at exactly 05:40H. dami kong naririnig about delayed flights. so mejo natuwa ako kasi ayoko maexperience yun. excited nga tapos idedelay nila ang flight? gagstugs ba yang piloto na ya??? haha
it's raining men. gusto ko ng malungkot kasi ngayon naka schedule ang city tour namin. pero afer some time, tumigil na din sya at nagpakita ang haring araw sa Cebu. :) At, 6:30, dumating ang sundo namin, si kuya cesar. to know more about our city tour, i'll be posting another blog very very soon. :)
I guess, next OOT trip namin, mas may alam na kami and thank god suave ang lahat ng umagang yon.

NOW I KNOW: pabalik ng manila, terminal fee is just the same. P200 din each. pero mas mahigpit sila. bawal sa hand carry ang dried fish. bawal din ang kahit anong liquid. Buti naalala ko na sa hand carry ko nailagay ang DEO ko. hahaha. pati ang walang kamatayan kong alcohol. :) and may nkita kmi na nagtatanggal ng AA batteries sa mga cameras nila. may sinasabi silang bawal. So bgo kami pumasok, I showed them My cameras and asked kung magkakaproblema ba ako dahil sa batteries nila. Hindi naman daw. :)

January 11, we're bound to Bohol. We bought our ocean jet tickets on our first day sa cebu. We paid P520 each. CEB-TAGBILARAN and vice versa. sabi wala na daw terminal fee. so feeling ko nakatpid ako. not until icheck ko yung tickets, meron pala. sinama lang sa P520.
From Robe's Pension house where we spent the night, it was almost 10 minute cab ride to pier1. And since simula nabook ang flight, puro blogs and google map ang kaharap ko, mejo nakabisado ko ng kaunti kung anu-ano ang mga magkakatabing lugar na pwedeng puntahan at lakarin na lang para tipid. Buti nlng natatandaan ko na ang pier ay malapit sa fort san pedro and cebu cathedral. and on our way to the pier, nakita ko din yung mga yun. bakit ko sinabi? malalaman nio mamaya. :)
at exactly 7:30, nakakuha na kami ng cab papuntang pier. sobrang lapit lang at P70 lang ang metro. ok di ba? malakas ang ulan pero walang traffic. kaya before 8am, nasa pier 1 na kami.
Isa sa mga gusto ko puntahan sa cebu, mga museums and historical places. ayaw talaga nila pumunta kahit anong pilit ko na pumunta ng fort san pedro. ang lakas pa ng ulan non. at ang main reason, takot sila maiwan ng ferry. At bigla ko naisip ang Cebu Cathedral. Nung binanggit ko yun kay mama, hindi na siya nagdalawang isip. Napa OO ko din sa wakas. YEY!
 And So we went to cebu cathedral and for san pedro. find out why we were unable to visit cebu cathedral museum on my next posts. :)
We went back to pier 1 at 8:45am. Papa was so worried at naka ilang tawag sya na bumalik na kami ng pier. GRRRR...
9am, check in na. iniiwan ako nila mama pag ganito na, tanong pa ng tanong kung saan kami next na pupunta, teka, di ba, first time natin lahat???
we checked in our baggage immediately. we paidP100 para sa baggage. ewan ko para san yun.di naman daw kami nagexcess sa allowed na weight. may resibo nman kaya keribels na rin at hindi na ako nag usisa. hehe





then..

Boarding time!




Finally, BOHOL! yeee!
Bago bumaba, binulungan na ako ni papa. picturan mo ako pagdating ng bohol ha? and so I did. :) mukang shy ang lolo mo pero siya talaga ang may gusto nian. at gusto nia talaga, hawak nia ang maleta. Nagppraktis para pagpunta nia ng libya. :)


Safe Arrival at Tagbilaran Port. Kuya JR, our taxicle driver was there on time. So, walang hintayan portion. :)Initially, the plan was, diretso tour kmi. kaso 9:30 ang kinuha namin na ticket, alanganin na. di masusulit kasi half day nlang ang tour.  And ending, nagpasundo nalang kami kay kuya JR for P200 tos the next day na ang tour. so marami pang time magpahinga.
At dahil sinabihan ako nun papunta pa lang kmi ng bohol na wala ng terminal fee, hindi ko napansin na yung pabalik ng cebu, hindi pa included dun yung terminal fee. dire-diretso ako, di pa pala kami ngbabayad ng terminal fee. pero mas mura na. P11.50 each tapos P60 na lang sa baggage. :)


our third day in bohol, (january 13, 2012) is our BALICASAG DAY! dahil sa marami kaming natipid our our 1st 3 days, naging posibl ang Balicasag and Virgin Island. We asked kuya from citadel kung magkano ang banca. he said P1500. tapos biglang tinanong ako kung susunduin daw ba kami ng banker, este boatman pala tawag nila dun, nagulantang ako. Sinusundo ba dapat?? haha. tinamad kasi ako nung hpon kaya sabi ko siguradong marami naman sa dalampasigan na nakadaong na banca. 6:30 na kami umalis ng citadel. and then we met kuya raymond, the banker.... boatman pla.
Habang hinihila nila kuya raymond at kuya arvin ang banca papuntang dagat, kaming 3, nagdadasal. nakasakay na ako ng banca sa batangas and sa Bataan. pero kasi this time, mas malayo and mas malaki ang banca. AT! umuulan pa. kinakabahan kami na sabrang laki ng mga alon at tumaob ang banca. paano na ang camera na hiniram ko kay mek? mababasa. pano na yun celphone ko? kawawa nmn wala ng amo. at pano pag nalunod kami? di kaya marunong lumangoy and 2 kasama ko.
Eto ba ang pinahpipilitan kong kinakabahan?? dito kami super nag enjoy. sa balicasag. lalo na si papa. dito nia nasabi ang famous line nia na: "ok din pala ang bonding na ganito noh? akala ko kasi dati corny.." ---happy face kami ni mama :)
This is definitely uber memorable. maraming first time para sa aming tatlo.